Isinusulong ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang isang panukala na naglalayong dagdagan ang buwanang pensyon at benepisyo para sa mga retiradong career officials ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa Senate Bill 2347, sinabi ni Lacson na kulang na kulang ang buwanang pensiyon na tinatanggap ng mga nabanggit na retiradong opisyales ng kagawaran, sa kabila ng halos pagbubuwis-buhay ng mga ito sa pangangalaga ng kapakanan ng mga Pinoy sa ibayong dagat, lalo na sa mga delikadong bansa.

“Personnel of the DFA are at the frontlines of Philippine foreign relations, sometimes risking their lives under dangerous conditions in their countries of assignment. While in active service, diplomats have demonstrated their resilience as the Philippines’ first line of representation in dealing with a plethora of concerns,” sabi ni Lacson.

“Their initiative, competence, professionalism, and creativity have resulted in enduring bilateral and multilateral partnerships, strategic agreements and collaborative engagements that continue to be harnessed for our people’s benefits,” paliwanag pa nito.

Ayon kay Lacson, ang kanyang panukala ay upang matiyak na masusuklian ng pamahaalan ang mga nabanggit ng opisyal ng “support that is adequate and responsive to their needs, and to reassure them that their dedication and loyalty to the Filipino people is not forgotten.”

Sakop din ng Senate Bill 2347 ang mga retiradong opisyal at empleyado ng DFA na nakapaglingkod na ng 15 taon pataas at kabilang sa mga nakakatanggap ng buwanang pensiyon buhat sa Government Service Insurance System (GSIS).

Sa ilalim ng panukala, ang mga pensiyon at benepisyong nakapaloob sa Republic Act 7157 na sumasaklaw sa mga nagretirong opisyal at kawani ng DFA ay awtomatiko nang ibabatay sa salary grade ng mga posisyon na iniwanan ng mga ito.

The post Benepisyo ng mga retiradong DFA career official dagdagan – Ping first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/benepisyo-ng-mga-retiradong-dfa-career-official-dagdagan-ping/)