Sana all kumikita habang natutulog.

Isa kasing 19-anyos na online streamer ang pinagkakakitaan ang pagtulog.

Kwento ni Euan Garcera o ETS Gaming sa online world, bukod sa game stream o pagla-live sa Facebook habang naglalaro, sinbukan din niya ang “sleep stream” o pagtulog habang nanonood ang mga netizen.

“Kapag nararamdaman ko na yung pagod, yung antok, ini-end ko na po agad yung stream then start po ulit ng bago…sleep stream na po,” wika niya sa panayam ng GMA News.

“Noong una po sabi ko try ko lang kasi wala naman masyadong nanood sa akin. Then paggising ko po may mga nag-send ng ‘stars,'” dagdag pa niya.

Pagbabahagi niya, umabot sa P15,00 ang kinita niya nitong unang linggo ng buwan dahil lang sa pagtulog nang naka-live.

Thankful naman ang gamer sa mga viewers niya lalo pa’t nakatutulong umano ito sa kanyang pamilya ngayong pandemya.

The post Binatilyo kumita ng P15K sa pagtulog first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/binatilyo-kumita-ng-p15k-sa-pagtulog/)