Matapos ang ilang taong pamamahinga mula sa pag-arte, balik-aksyon muli si Bad Boy Robin Padilla.

Ngunit sa oras na ‘to, hindi siya makikita sa telebisyon kundi sa kanilang bahay.

Makikita kasi sa latest Instagram post ni Idol na nagbabaril-barilan siya habang nakasampa sa treadmill.

“walang film shooting at lalong walang gera. hindi po ako expert at lalong hindi po ako instructor. full body workout lang po muscle memory at mind conditioning. NO VIOLENCE,” saad niya sa caption ng post.

Maraming netizen naman ang natuwa at sinabing wala pa ring kupas ang action star.

“BAKA SI IDOL YAN!!” koment ni RJ.

“Idol,” sey ni Loida.

“Bad boy lodi pa rin,” saad ni Francis.

“Sir Gawa ka movie na parang John wick ang datingan,” ani Gilmar.

The post Binoy balik-aksyon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/binoy-balik-aksyon/)