Sinara sa mga motorista ang isang bahagi ng Topaz Road, Ortigas Center matapos makita ang mahahabang bitak sa kalsada.

Ayon sa ulat, namataan noong Linggo ng gabi ang malalaking bitak kasunod ng malakas na buhos ng ulan.

Tinakpan ng trapal at naglagay ng traffic cones sa bahagi ng bitak, na nasa pagitan ng isang gusali at construction site.

Ngunit ayon kay Phivolcs director Renato Solidum, hindi dapat ipangamba ang mga bitak at huwag akalaing faultline ang mga ito.

“Walang fault diyan, kung fault ‘yan at gumalaw ‘yung fault ay dapat ay lumindol nang malakas,” pahayag ni Solidum sa panayam ng dzBB ngayong Lunes.

Ani Solidum, maaaring ang paghuhukay sa construction site ang naging sanhi ng mga bitak, o erosion dulot ng malakas na pag-ulan.

The post Bitak sa Ortigas ‘wag ipangamba – Solidum first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bitak-sa-ortigas-wag-ipangamba-solidum/)