Pinabulaanan ni Michael V ang tsimis na kakalas na siya sa Kapuso channel matapos mawala sa ere ng kanyang palabas na Pepito Manaloto at maglaho rin sa Eat Bulaga.

“Hindi po totoong mawawala na sa ere ang Pepito Manaloto at hindi rin ako lilipat ng ibang network,” paglilinaw niya sa kanyang latest vlog.


Nilinaw din ng komedyante na hindi pa natuldokan ang Pepito Manloto dahil meron itong book 2.

“Alam iyan ng mga totoong fans ng Pepito Manaloto na pinanood at inintindi yung mga episodes na napanood nila,” anang aktor.

“Dahil ayaw tayo lubayan ng COVID, we decided na isara na yung chapter 1 ng Book 2 para makapagbukas ng chapter 2.”

Aniya, hindi niya tatalikuran ang pagiging Kapuso dahil bukod sa loyal siya rito, mas loyal umano siya sa kanyang audience.

The post Bitoy loyal sa Kapuso first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bitoy-loyal-sa-kapuso/)