Tuloy ang pagbuhos ng biyaya kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

Nitong Miyerkoles ay natanggap na niya ang pangakong house and lot sa Tagaytay ni Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino.

Isa itong dalawang palapag na bahay na matatagpuan sa Isabel Heights, Barangay Kaybagal Central na nasa P5 milyon umano ang halaga.

Samantala, sinimulan na ang construction para sa Tagaytay homes ng iba pang Olympic medalist na sina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial na pinangako ni Tolentino.

The post Bonggang bahay sa Tagaytay natanggap na ni Hidilyn first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bonggang-bahay-sa-tagaytay-natanggap-na-ni-hidilyn/)