Handa na sina John Riel Casimero at Guillermo Rigondeaux sa kanilang sagupaan bukas sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.

Ito ay matapos silang tumuntong sa weigh-in ngayong Biyernes (oras sa Pilipinas).

Sakto sa 118 pounds ang naging timbang ng Pinoy habang 117.5 pounds naman ang Cuban.

Idedepensa ni Casimero ang kanyang WBO bantamweight title laban sa 40-anyos na si Rigondeaux, na isang two-time gold medalist sa Olympics.

Hawak ng Cuban ang 20-1, 13 Kos kartada habang 30-4, 21 Kos ang record ni Casimero.

The post Casimero, Rigondeaux swak sa weigh-in, handa na sa upakan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/casimero-rigondeaux-swak-sa-weigh-in-handa-na-sa-upakan/)