Nakalaya na ang Chisene national na nag-ala Cardo Dalisay matapos makipaghabulan sa mga pulis mula Quezon City hanggang Maynila noong Hulyo.

Ayon kay QC District Station 10 commander Police Lt. Col. Alex Alberto, nakalabas na ng kulungan si Arvin Tan tatlong linggo na ang nakalilipas matapos magpiyansa.

Matatandaang noong Hulyo nang tumakas si Tan sa kapulisan at nang-araro pa ng mga sasakyan at tricycle matapos hindi magbayad sa motel na tinuluyan niya sa Timog Avenue sa QC.

Naharap sa patong-patong na reklamo si Tan kabilang na ang estafa at disobedience to a person of authority.

BASAHIN: Pagwawala ni Arvin Tan, anak ni Oca Orbos, napansin ni Duterte

The post Chinese natn’l na nakipagpatintero sa pulis mula QC hanggang Maynila, laya na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/chinese-natnl-na-nakipagpatintero-sa-pulis-mula-qc-hanggang-maynila-laya-na/)