Itinanggi ng Department of National Defense (DND) nitong Biyernes na totoo ang inihayag ng isang ulat na nasa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ang isang barko ng China na ginagamit sa pananaliksik.

Ayon kay DND Secretary Delfin Lorenzana, hindi namataan ng Northern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines ang barkong Hai Da Hao sa bahagi ng Panatag Shoal sa halos isang taon na.

“Contrary to some published reports regarding the Chinese research vessel Hai Da Hao, the AFP Northern Luzon Command has reported that the said vessel has not been spotted near Bajo de Masinloc as alleged,” pahayag ni Lorenzana.

“Based on the verification of the one-year historical track of CRV Hai Da Hao, the vessel did not pass through nor did it enter the area of responsibility of Naval Forces Northern Luzon,” dagdag pa ng kalihim.

Taliwas ito sa inihayag ni Ryan Martinson, assistant professor mula sa United States Naval War College, na nitong Miyerkoles ay naroon ang nasabing barko sa layong 65 nautical miles silangan ng Panatag Shoal at umalis noong Huwebes.

The post Chinese research ship wala sa Panatag Shoal – DND first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/chinese-research-ship-wala-sa-panatag-shoal-dnd/)