Nanatiling patuloy ang mga patayan sa bansa ayon sa Commission on Human Rights (CHR).

Ito ay matapos nilang gunitain ang ikaapat na taon simula nang paslangin ng kapulisan si Kian delos Santos habang ikinakasa ang isang anti-drug operation sa Caloocan City.

“Years after Kian’s death, killings continue to persist,” wika ni CHR spokeswoman Jacqueline de Guia sa isang pahayag.

Taong 2017 nang masawi sa pamamaril ang 17 anyos matapos umanong manlaban sa mga awtroidad sa nasabing lungsod.

Nasapol naman sa kuha ng CCTV na walang paglaban ang naganap at dinala pa ang menor de edad sa dilim at saka pinapatukan.

Kaugnay nito, pinaigting ng CHR ang panawagan nila sa pamahalaan na pahalagahan ang buhay ng isang indibidwal sa kabila ng patuloy na padami ng pang-aabuso sa karapatang pantao sa bansa.

“We must continue to assert the value of human life and dignity, and cease regarding others as mere collateral damages in pursuit of public peace,” anang tagapagsalita.

“Today, as we remember the 4th death anniversary of Kian, we echo our call: Itigil ang patayan,” dagdag pa niya.

The post CHR sa ika-4 death anniv. ni Kian delos Santos: Itigil na ang patayan! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/chr-sa-ika-4-death-anniv-ni-kian-delos-santos-itigil-na-ang-patayan/)