Magsasagawa ng briefing ang Commission on Audit (COA) sa mga kongresista upang malinawan ang kakulangan ng Department of Health (DOH) sa paggamit ng P67.32 bilyong pondo para labanan ang COVID-19 pandemic.

Si Speaker Lord Allan Jay Velasco ang humiling sa COA na magsagawa ng briefing. Ang Committee on Public Accounts na pinamumunuan ni Probinsyano Ako Rep. Jose Singson Jr., ang host ng briefing na isasagawa anumang araw ngayong linggo.

“We want to get the facts straight from COA and we are particularly concerned because the funds involved were among those allocated under the Bayanihan laws that Congress passed last year,” sabi ni Velasco.

Magagamit umano ng mga mambabatas ang briefing upang makagawa ng batas na kailangan para mas maging epektibo ang paggamit ng pondo ng gobyerno.

“The overall objective is to ensure that the billions of pesos Congress had dedicated to COVID-19 response—and any additional funds it provides in future legislation—are spent wisely and effectively,” dagdag pa ni Velasco.

Inimbitahan din sa briefing ang mga opisyal ng DOH.

“The briefing would also serve as a venue for the DOH to explain and account for the pandemic funds mentioned in the COA report,” sabi pa ng lider ng Kamara.

Pinuna ng COA ang mga kakulangan sa ginamit na pondo ng DOH. Kinalaunan ay nilinaw ng COA na wala itong sinabi na napunta ang pondo sa korupsyon at mayroon pa umanong oras para punan ng DOH ang mga kakulangan nito.

Sinabi naman ng DOH na hindi nawawala ang pondo at nireresolba na umano nito ang mga kakulangan na hinihingi ng COA.

The post COA ipinatawag ng Kamara para malinawan P67.3B deficiency ng DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/coa-ipinatawag-ng-kamara-para-malinawan-p67-3b-deficiency-ng-doh/)