Naglabas ang MVP Sports Foundation ng P11 milyon incentive para sa mga coach ng weightlifting at boxing teams ng bansa na siyang naging susi para sa apat na medalya ng sa Tokyo Olympics.

“The MVPSF knows that it takes a village to win a medal in the Olympics. It takes combined efforts from the Philippine Sports Commission (PSC), the Philippine Olympic Committee (POC), and the private sector to help our athletes succeed,” wika ni MVPSF President Al Panlilio.

“The coaches also sacrificed as they were away from their families as much as the athletes so they should also be compensated for their athletes’ success,” dagdag pa ni Panlilio.

Dahil dito, umabot sa P40.5 milyon ang inilabas ng MVPSF para sa pa-premyo ng mga sumabak sa Olympics.

Ang apat na Olympic medalists ay tumanggap ng kabuuang P22 milyon, habang ang 15 na sumabak sa palaro ay tumanggap naman ng tig-P500,000.

The post Coaches damay sa buhos ng biyaya mula sa MVPSF first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/coaches-damay-sa-buhos-ng-biyaya-mula-sa-mvpsf/)