Kinikinita ng isang data analytics team na lalampas sa 1.9 milyon ang maitatalang COVID-19 cases sa bansa bago matapos ang buwan ng Agosto.

Anila, aapaw naman ito sa 2 milyon pagdating ng susunod na buwan.

“In terms of cases, definitely I can see that we’ll breach 1.9 million total before the end of the month, and then 2 million total cases by early September,” ani Edson Guido ng Kapamilya News Data Analytics.

Paliwanag nila, lalo ring bumibilis ang pag maga ng COVID ccase sa bansa bawat araw.

“Actually from 1.7 million to 1.8 million cases, it only took 8 days. And that’s the fastest additional 100,000 cases for the country. But what we’re seeing now is that the next 100,000 is likely to be even faster,” ani Guido.

Sa kabila nito, sinabi ng data analyst na maaari namang humina ang pagsipa ng COVID spike sa Metro Manila sa ikalawang linggo ng Setyembre.

Ngunit aniya, hindi pa rin dapat makampante ang publiko.

“If we do reach a point that we start to see a decrease in the number of daily cases, we should not be complacent. And the goal is really to push these numbers even lower before we do decide to relax most of our restrictions, because right now were averaging 15,000 daily cases.

[W]e cannot afford another spike that would happen that would start at the base of 10,000,” aniya.

The post COVID cases sa bansa sisirit sa 2M sa Setyembre – data analyst first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/covid-cases-sa-bansa-sisirit-sa-2m-sa-setyembre-data-analyst/)