Nanaig ang Creamline Cool Smashers sa game 1 ng Premier Volleyball League (PVL) finals kontra sa Chery Tiggo Crossovers sa limang sets nitong Miyerkoles sa PCV Socio-Civic and Cultural Center sa Ilocos Norte.

Naging matatag ang Creamline kahit pa nabigo sila sa sets three at four upang maibulsa ang panalo: 25-15, 25-21, 18-25, 19-25, 15-7.

Tangan ngayon ng Cool Smashers ang 1-0 abante at tatangkaing makopo ang kampeonato ngayong Huwebes.

Nanguna para sa Creamline si Tots Carlos na may 26 points, 22 dito mula sa kills, habang may 21 attack points pa si Alyssa Valdez.

Si Jaja Santiago naman ang umarangkada para sa Chery Tiggo sa kanyang 22 attack points, na sinuportahan ng kanyang kapatid na si Dindin Santiago-Manabat na may 19 points.

The post Creamline lumapit sa PVL title first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/creamline-lumapit-sa-pvl-title/)