Hindi na tumatanggap ng COVID-19 patients ang ilang ospital sa National Capital Region dahil sagad na ang kanilang mga wards sa full capacity.

Sa ulat ng GMA News, isa sa mga pagamutang tinukoy ang Ospital ng Sampaloc.

Batay sa report, nagsimula silang hindi tumanggap ng mga COVID patient nitong Sabado, alas-10 ng umaga dahil apaw na ang kanilang COVID wards.

“Ang itinalaga namin na kama para sa COVID patients ay 40. Ngayong araw na ito, 41 na ‘yung admitted na COVID cases. Kasama ‘din ‘yun ‘yung mga nakapila sa emergency room na naghihintay na maiakyat sa ward,” wika ni Dr. Aileen Lacsama, direktor ng naturang opsital.

Anila, 41 sa 22 nasspol ng COVID sa kanilang mga pasyente ay hindi bakunado.

Ganito rin umano ang kalagayan sa Lung Center of Philippines kung saan 95% ng COVID beds ay okyupado na.

Anila, kasalukuyan pa silang nakaantabay sa magiging resulta ng dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Suspendido rin ang pagtanggap ng mga COVID patient sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City dahil sa landslide na COVID cases na kanilang natatanggap.

Dagdag pa rito ang Hospicio de San Jose na naglipat ng kanilang 34 mild at asymptomatic patients sa isang isolation facility ng Red Cross.

The post Dahil apaw na: Ilang ospital sa NCR sarado na para sa COVID patients first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dahil-apaw-na-ilang-ospital-sa-ncr-sarado-na-para-sa-covid-patients/)