Nanghingi ng pang-unawa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula sa mga nakatira sa Metro Manila matapos nilang pagbawalan ang pag-eehersisyo habang nakasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang kanilang lugar.

“Sana po maunawaan ninyo ang rason bakit itong polisiyang ito ang ginawa nila,” ani MMDA chairperson Benhur Abalos sa isang pahayag.

“We have to bite the bullet here. All we’re asking for is 10 days. After that the mayors will review the policy,” pagpapatuloy pa niya.

Kaugnay ito sa naging desisyon ng MMDA nitong Lunes na pansamantalang ipagbawal ang pag-e-exercise sa labas ng bahay tulad ng pagbibisekleta at pagtakbo.

Nito lamang nakaraang Biyernes, Agosoto 6, nang isinailalim ang National Captial Region (NCR) sa ECQ bunsod ng COVID at Delta variant spike. Magtatagal ang mahigpit na lockdown hanggang Agosto 20.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/ehersisyo-bawal-na-rin-sa-ecq-mmda/

The post Dahil bawal exercise: MMDA nanghingi pang-unawa sa mga residente ng NCR first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dahil-bawal-exercise-mmda-nanghingi-pang-unawa-sa-mga-residente-ng-ncr/)