Mahigit 300 pasahero ang natengga ngayon sa Pio Duran, Albay dahil sa ‘no bakuna, no entry’ policy ng Masbate.

Ayon sa ulat ng GMA News, apat na araw nang naipit ang mga biyahero sa nasabing probinsya.

Dagdag pa rito, kulang na rin umano ang suplay ng pagkain sa kanila.

Dahil dito, nagpasaklolo si Noel Arduna ng Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office sa mga lokal na pamahalaan ng Bicol na magkaroon ng uniform na polisiya para sa ma biyahero.

Maging ang Department of Social Welfare and Development ay kinalampag na rin niya para sa karagdagang suplay ng pagkain para sa mga stranded.

The post Dahil ‘no bakuna no entry’: 300 pasahero ipit sa Albay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dahil-no-bakuna-no-entry-300-pasahero-ipit-sa-albay/)