Dahil apaw na ang mga crematorium sa Biñan, Laguna, pumakyaw na ng mga freezer ang kanilang lokal na pamahalaan para sa mga nasawi dahil sa COVID-19.

“Tomorrow or the next day after tomorrow, maide-deliver na po ang aming freezer na inorder dahil nao-overwhelm din po yung aming crematorium,” wika ni Biñan Mayor Walfredo Dimaguila Jr. sa isa briefing nitong Miyerkoles.

Nang tanungin kung kailangan na bang gumawa ng malawakang libingan sa naturang lungsod para sa mga natsugi ng COVID, sinabi ng alkalde na may sapat pa naman silang mga sementeryo at columbarium.

Nito lamang nakaraang linggo ng gumawa ng ingay ang isa sa kanilang pagamutan na Ospital ng Biñan matapos maispatan ang mga pasyente nilang naka-confine na sa parking lot.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/mga-pasyente-sa-binan-sa-parking-lot-na-nakahiga/

The post Dahil puno crematorium: Biñan pumakyaw COVID freezers para sa mga tenggang bangkay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dahil-puno-crematorium-binan-pumakyaw-covid-freezers-para-sa-mga-tenggang-bangkay/)