Mukhang hindi muna pwedeng mamakyaw ng designer bags si Jinkee.

Ito kasi ang kasalukuyang meme para sa misis ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao.

Anang mga netizen, dahil talo si Pacman, wala muna silang limpak-limpak na perang ipanggagasta sa luho ni Jinkee.







Sa isang vlog ni Dra. Vicky Belo kasama si Jinkee, inamin niya na talagang pagbili ng mamahaling bags ang bisyo niya.


Aniya, Fendi ang paborito niyang brand ng bag.

“Gustong-gusto ko ‘yung color, ‘yung style. Parang ako ‘yon,” sabi niya.

The post Dahil talo si Pacquiao: Jinkee walang bagong bag first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dahil-talo-si-pacquiao-jinkee-walang-bagong-bag/)