Kinumpirma ni Lolit Solis na hiwalay na ang kanyang mga alagang talent na sina Paolo Contis at LJ Reyes.

Ang dahilan, wala na umanong romansa ang dalawa.

Paglilinaw niya, walang third party ang sabit sa hiwalayan ng dalawa.


“Walang 3rd party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes. It was a matter of na outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon,” ani Solis sa kanyang Instagram post.

“Kaysa naman humantong pa sa pag-aaway, mas gusto na nila na maghiwalay nang maayos, at dasal na mag end as friends,” pagpapatuloy pa niya.

Anang beteranong talk show host, huwag na ring idawit ng publiko si Yen Santos na siyang nakatambal ni Contis sa latest niyang pelikula na “A Far Away Land.”

“Huwag na natin idamay pa si Yen Santos dahil may sarili siyang love story kaya hindi siya kasali sa love life nila Paolo at LJ,” diin ni Solis.

Kasalukuyang may anak ang celebrity couple na si Baby Summer. (VA)

The post Dahilan ng hiwalayang Paolo Contis, LJ Reyes ibinunyag ni Lolit first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dahilan-ng-hiwalayang-paolo-contis-lj-reyes-ibinunyag-ni-lolit/)