Kahit ilang linggong namahinga ang PBA Philippine Cup ay hindi pa rin ito sapat para makabalik sa aksyon si number one pick Joshua Munzon.

Kinumpirma ni Munzon na dahil sa tinamong dislocated pinky sa kaliwang kamay ay hindi na siya makakalaro sa natitirang bahagi ng torneo.

“Currently, there is a metal pin going down my left pinky finger keeping the joint together,” pahayag ni Munzon. “I recently got the stitches out so I’m coming along.”

Tinamo ni Munzon ang injury sa laro ng Terrafirma kontra Magnolia noong Hulyo 30.

“I don’t get the pin out my finger for another four weeks,” dagdag pa niya.

Samantala, ang PBA ay inaasahang magbabalik-aksyon sa unang linggo ng Setyembre.

The post Daliri pilay! Munzon pahinga sa PH Cup first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/daliri-pilay-munzon-pahinga-sa-ph-cup/)