Lalo umanong dumami ang mga batang ini-a-admit sa San Lazaro Hospital ngayong buwan ng Agosto.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, chairman ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine unit ng naturang ospital, mas tumaas ang bilang ng mga batang nako-confine sa kanila kumapara noong Marso.

“Compared natin last year or last March, kaunti lang talaga ang mga bata. Ngayon, nadadagdagan na. Most of the symptoms are very mild lang so they have cough, fever, except for one, which was the youngest I think 3 months old which was more or less severe form of COVID,” sambit niya.

Aniya, maaaring dahil ito sa lalong pagkalat ng COVID-19 Delta variant sa bansa.

“The transmissibility has now extended not only for adults but also to younger age groups. And most of the sources of these younger age group are also coming from their parents or from their caretakers.”

Nito lamang unang linggo ng Agosto nang dagsain din ng mga batang COVID patient ang Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila.

Ayon kay PGH spokesperson Jonas del Rosario, pito sa walong kama na inilaan nila para sa mga batang may COVID ay okupado na. 

The post Dami ng batang pasyente dumoble sa San Lazaro Hospital first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dami-ng-batang-pasyente-dumoble-sa-san-lazaro-hospital/)