Sapat na umano ang dami ng mga conact tracer sa bansa ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Lunes. Bunsod nito, kailang nang i-monitor ng local government unit ang kanilang mga trabaho.

“Ang kailangan na lang pong tutukan ng mga lokal na pamahalaan ay yung performance n gating contact tracers dahil yan po ay ansa control na ng LGUs,” wika ni DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya sa isang briefing.

Ito ay matapos siyang tanungin kung kung naabot na ba ng pamahalaan ang ideal contact tracing ratio na “1 ideal contact tracing is to 30 to 37 contacts” sa loob ng dalawang araw.

Ayon sa ulat ng GMA News, nasa P1.6 bilyong kontrata ng contact tracers ang pinahintulutang mag-extend na siyang mapapanis sa Disyembre.

The post Dami ng contract tracers sapat: Dapat tutukan trabaho nila – DILG first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dami-ng-contract-tracers-sapat-dapat-tutukan-trabaho-nila-dilg/)