Natapos na ni dating sexy actor Dante Balboa ang kanyang masterado sa Filipino mula Polytechnic University of the Philippines.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, inabot ng dalawa’t kalahating taon si Balboa, o Elmer Anisco sa tunay na buhay, para makagradweyt sa naturang programa.

“I studied a lot because I want to have a meaningful and productive personal rewards every year. …It’s just a matter of time management because since I was a kid, I always plan my life. Literally speaking, I always have a goal per week, per month, per year and per decade,” sambit niya.

Pagkatapos ng masterado, target naman niyang kumuha ng doctoral degree sa Malikhaing Pagsulat sa University of the Philippines Diliman.

The post Dante Balboa: Dating hubadero ‘master’ na ngayon! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dante-balboa-dating-hubadero-master-na-ngayon/)