Kailangang may managot sa kapabayaan ng Department of Health (DOH) sa paggamit ng Covid-19 funds partikular ang hindi paglabas ng special risk allowance sa mga healthcare worker, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

“If the department heads are telling lies to the [Health Secretary Francisco Duque III] then I am giving the secretary the benefit of the doubt, baka binobola siya ng regional directors niya, e ‘di palitan nya o i-suspend niya,” sabi ni Zubiri sa panayam sa ANC.

“Somebody has to get blame for this mess, particularly on the special risk allowance. Heads have to roll, particularly on the non-release of these funds,” dagdag nito.

Nauna nang nadiskubre ng Commission on Audit (COA) na nagkaroon ng kakulangan ang DOH sa paghawal ng pondo para sa pandemya na nagkakahalaga ng P67 bilyon.

Ang Kamara at Senado ay nakatakdang magsagawa ng magkahiwalay na imbestigasyon sa pagganit ng pondo ng DOH para sa COVID-19 pandemic response.

“We’ll ask the secretary to explain. At the end of the day, I hate to say this but it is command responsibility,” ani Zubiri.

“With the COA reports somebody should apologize and say you know ‘I screwed up’ and sana gumanda ang galaw nila,” dagdag pa nito.

The post Dapat may gumulong na “ulo” sa DOH – Zubiri first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dapat-may-gumulong-na-ulo-sa-doh-zubiri/)