Pumanaw sa edad na 93 ang isang dating University of the Philippines (UP) president.

Ayon sa ulat, yumao nitong Miyerkoles sa kanyang bahay sa Antipolo, Rizal si ex-UP president Dr. Jose Abueva.

Naging 16th president ng UP si Abueva mula 1987 hanggang 1993.

Kabilang si Abueva sa pumirma sa kasunduan na nag-aatas sa mga pulis at sundalo na humingi ng pahintulot sa mga opisyal ng UP bago pumasok sa eskuwelahan, na simula noong Enero 15 ay nilusaw na.

The post Dating UP president pumanaw first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dating-up-president-pumanaw/)