Matapos ang ilang buwang pagkaantala, sa loob ng 10 araw ay ipapamudmod na ang special risk allowances (SRA) ng mga medical frontliner, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Sa pahayag ni DBM Officer-in-Charge Tina Rose Marie Canda nitong Lunes, sinabi nito na naghahanap na ang ahensya ng mga pagkukunan ng pondo para sa SRA.

“The bureau in charge is currently reviewing all the funding sources that could be tapped,” wika ni Canda sa isang message.

Gayunpaman, sinabi ni Canda na hindi pa natataya kung magkano ang matatanggap ng mga health worker at nakadepende ito sa datos na magmumula sa Health Department.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DBM at kay Health Secretary Francisco Duque na asikasuhin ang pagbabayad ng SRA sa loob ng 10 araw.

The post DBM tiniyak: SRA maibibigay first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dbm-tiniyak-sra-maibibigay/)