Nagtala ang Malaybalay, Bukidnon ng unang kaso ng Delta variant.

Sa ulat, sinabi ni City Health Officer Dr. Dennis Sangalang na nagpositibo sa COVID-19 ang isang babae at nag-quarantine ng 14 araw sa isang pasilidad sa lalawigan.

Nakarekober na umano ito noong Agosto 1 ngunit nang lumabas ang resulta ng ginawang genome sequencing test sa kanya ay nalaman na isa siyang kaso ng Delta variant.

Nagmula ang pasyente sa Tagoloan, Misamis Oriental at nagtungo sa Malaybalay sakay ng bus para bisitahin ang mga kaanak sa Barangay San Martin noong Hulyo 20.

Ito na ang ikalawang kumpirmadong kaso ng COVID-19 Delta variant sa Bukidnon.

Noong nakaraang buwan, isang returning overseas worker ang nag-uwi ng Delta variant sa bayan ng Talakag.

The post Delta variant napadpad na sa Malaybalay, Bukidnon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/delta-variant-napadpad-na-sa-malaybalay-bukidnon/)