Bukod sa mga ospital, puno na rin ang mga crematorium sa Biñan City, Laguna ayon kay Mayor Arman Dimaguila.

Aniya, sa dami ng mga namamatay na COVID patient kada araw ay nagkaroon na ng pila sa mga crematorium sa kanilang lungsod.

“Nakatukod din po ang mga crematorium natin. Marami rin pong nakapila. Hindi po natin kinakaya ng isang araw dahil normally, ‘pag may binawian ng buhay, inaabot ng dalawa, tatlong araw bago po maiuwi ang abo. Ganoon po kalala ang sitwasyon,” anang alkalde.

Nito lamang Miyerkoles nang mapabilatang apaw na rin ang kanilang Ospital ng Biñan (ONB) sa dami ng mga COVID-19 patient.

“Hanggang parking lot na ho ang pasyente sa ating ospital,” ani Dimaguila.

“Pagod na pagod na rin ho ang mga frontliners natin, tumataas ang positive. Dumadami ang namamatay, kahit mga bata,” pagpapatuloy pa niya.

Nilinaw naman ni ONB information head Rene Alpino na hindi mga COVID patient ang mga nasa parking lot.

Anila, mga pasyente itong inilipat lang mula sa ikatlong palapag ng naturang ospital dahil inilaan ito sa mga pasyenteng may COVID.

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/mga-pasyente-sa-binan-sa-parking-lot-na-nakahiga/

The post ‘Di lang ospital puno! Mga natsugi sa COVID nakapila na sa mga crematorium – alkalde first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/di-lang-ospital-puno-mga-natsugi-sa-covid-nakapila-na-sa-mga-crematorium-alkalde/)