Good news mga motorista! Magkakaroon ng rollback sa presyo ng diesel at kerosene simula ngayong Martes.

Sa isang abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., sinabi nila na bababa nang P0.30, kada litro ng diesel at P0.40 naman kada litro ng kerosene.

Ayon sa ulat ng GMA News, kaparehong rollback din ang ikakasa ng Cleanfuel at Petro Gazz maliban sa kerosene.

Epektibo na ang bawas-singil simula alas-6 ng umaga ngayong araw.

Magsisimula naman ikasa sa Cleanfuel ang price adjustment alas-8 ng umaga ngayong araw.

The post Diesel, keresone bawas-singil ngayong Martes first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/diesel-keresone-bawas-singil-ngayong-martes/)