Nakikipag-ugnayan na umano ang mga alkalde ng Metro Manila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa pag-issue ng digital vaccine certificate sa mga bakunadong residente.

Kinumpirma ni ParaƱaque Mayor Edwin Olivarez na sinimulan na ng mga alkalde ang pagpasa ng mga bakunadong residente sa DICT.

“Napag-usapan po namin ‘yan sa Metro Manila Council. In fact, ‘yung aming mga IT ay patuloy nagda-download na po sa DICT para sa unified vaccination card. So tuloy-tuloy po ginagawa ‘yan ng LGU dito sa Metro Manila,” pahayag ni Olivarez.

“Lahat naman po kaming LGU may system kami… I-download lang ‘yan sa DICT para ang concentration ng data para doon sa unified vaccination card,” dagdag pa ng alkalde.

Ayon pa kay Olivarez, target nilang matapos ang pagpasa ng listahan ng mga bakunado bago matapos ang Agosto.

The post Digital bakuna card inaasikaso na ng NCR mayors first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/digital-bakuna-card-inaasikaso-na-ng-ncr-mayors/)