Kahit isailalim pa sa modified enhanced community quarantine, hindi pa rin malabo ang patuloy na paglobo ng aktibong kaso ng COVID sa Metro Manila ayon sa Department of Health (DOH).

“‘Pag tinignan ang ating projections mukang tataas pa rin ang mga kaso sa mga susunod na araw kaya dapat talaga ang paghahanda ay andiyan pa rin,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang briefing nitong Sabado.

“Kung mag-start ng MECQ ngayong araw hanggang end-September, we will have 66,000 cases by August 31 and 269,000 active cases by September 30 here in NCR.” pagpapatuloy pa niya.

Nito lamang Sabado nang humampas sa 123,935 ang aktibong kaso ng COVID sa bansa matapos maitala ang 16,694 bagong nasapol ng sakit.

Dagdag pa rito, naitala rin noong Biyernes ang 17,231 bilang ng tinamaan ng virus na siyang pinakamatas na COVID case na naitala sa bansa.

Kaugnay nito, sinabi ni Vergeire na mas mainam kung mag-i-improve ang bakunahan sa naturang lugar.

“Kung mai-improve any vaccination, case detection to isolation, compliance to health standards, mapapababa natin ito,” aniya.

“If we can further improve, then we will not reach these numbers,” dagdag pa niya.

The post DOH: Aktibong kaso ng COVID sa NCR pwede sumirit sa 269K sa Setyembre first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-aktibong-kaso-ng-covid-sa-ncr-pwede-sumirit-sa-269k-sa-setyembre/)