Patuloy pang tataas ang bagong kaso ng COVID-19 na maitatala sa bansa kada araw ayon sa Department of Health (DOH).

“Ayon po sa projections natin makikita pa rin natin tuloy-tuloy tumaas ang ating mga aktibong kaso for these coming days or maybe weeks,” wika ni DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire nitong Martes.

“Now that local governments are doing active case finding, mas makikita nating tataas pa rin talaga ang kaso for these initial weeks that we are headed to,” dagdag pa niya.

Dahil dito, kailangan aniyang mapaigting ang testing ng mga sympotmatic COVID patient maging ang mga naka-close contact nito.

Hinimok din ni Vergeire ang publiko na patuloy na sundin ang mga ipinatutupad na COVID safety protocol.

Nito lamang Lunes nang maitala ang record high na 18,332 bagong kaso ng COVID.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng new infections na naitala ng Health Department simula nang dumating ang virus sa bansa noong Enero 2020.

The post DOH: COVID cases sa bansa sisirit pa! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-covid-cases-sa-bansa-sisirit-pa/)