Sa halip na magturo at manisi, dapat akuin ni Health Secretary Francisco Duque ang responsibilidad sa mga problemang nag-ugat sa maling paggamit ng pandemic funds ng health department, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Bilang pinuno ng Department of Health (DOH), dapat umanong humanap ng solusyon si Duque sa mga problemang ito, partikualr ang hindo pagbabayad ng ipinangakong benepisyo sa mga health worker.

“For Sec. Duque to blame the DBM (Department of Budget and Management) for the delays or the hospitals, that’s totally passing the buck. He must assume full responsibility for this,” sabi ni Drilon sa panayam sa ANC.

“I’m sorry to tell Sec. Duque na hindi dapat ganon. Do not point fingers. See what the problem is, see how it can be solved,” dagdag nito.

Sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee noong Huwebes, nagturuan ang DOH at DBM hinggil sa pagkaantala ng paglabas ng pondo para sa allowance ng mga medical frontliner.

Sabi ni DOH Assistant Secretary Maylene Beltran, inilabas ng DBM ang pondo para sa special risk allowance (SRA) ng mga health worker noong Hunyo 25 kaya’t kulang na ang kanilang panahon para ipamahagi lalo na’t magpapaso ang batas na nag-aatas para sa pamimigay ng benepisyo sa Enero 30.

Subalit itinanggit ito ng DBM at iginiit na matagal bago lagdaan ng DOH ang joint circular na nag-aamiyenda sa panuntuna para sa patuloy na pagbigay ng special risk allowance sa mga health worker.

Sinabi pa ni Duque sa pagdinig na dapat sisihin din ang mga pribadong hospital dahil sila ang nagbibigay ng listahan ng mga kuwalipikadong recipient ng nasabing benepisyo.

“Blaming each other and pointing fingers at each other when the COVID-19 response is your primary responsibility does not speak well of the leadership of the DOH. They should assume responsibility and do something about it,” sabi ni Drilon.

The post Drilon kay Duque: Huwag magturo, huwag manisi first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/drilon-kay-duque-huwag-magturo-huwag-manisi/)