Sa halip na ngayong Huwebes, inilipat ng House Committee on Public Accounts bukas ang pagdinig nito kaugnay ng P67 bilyong COVID-19 response fund ng Department of Health (DOH) na sinita ng Commission on Audit (COA) ang paggamit.

Nabatid na sumulat si Health Secretary Francisco Duque III kay Probinsyano Ako Rep. Jose Singson Jr., chairperson ng komite, upang hilingin na ilipat ang schedule ng pagdinig.

Si Duque at iba pang matataas na opisyal ng DOH ay dadalo ngayong araw sa pagpupulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ang pagdinig ay gagawin alas-10:30 ng umaga bukas.

Noong Martes sinimulan ng komite ang motu proprio hearing nito.

The post Duque ‘di makakadalo, pagdinig ng Kamara pinagpaliban first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duque-di-makakadalo-pagdinig-ng-kamara-pinagpaliban/)