“Kung si Duque will offer to resign voluntarily tatanggapin ko pero kung ako magsabi sa kanya magresign siya, that will never happen.”

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga panawagang sibakin na si Department of Health Secretary Francisco Duque III sa kaniyang puwesto.

Ito ay matapos madawit ng departamento sa mga anomalya sa paggastos umano ng pondo na dapat sana’y gagamitin sa COVID-19 pandemic.

Ngunit anang Pangulo, lagot ito sa kanya oras na mapatunayang nangulimbat nga ito ng pera.

“Pero kung may nakita akong mali sa kanya. Maski sampung libo lang talagang yayariin kita kasi ipinahamak ako sa tao,” babala niya.

Una nang ipinagtanggol ni Duterte ang DOH official noong nakaraang linggo dahil rin sa 67.3 billion deficiencies mula sa report na inilabas ng Commission on Audit (COA).

“Alam ko gusto mo nang mag-resign, pero alam mo rin na tatanggihan kita ngayon. Noon you have attempted to resign twice. I expect you to say something to me after this , magresign ka. Sabihin ko sa yo hindi, wala ka namang ginawang masama,” anang Pangulo.

The post Duterte aprub sakaling magbitiw sa puwesto si Duque, pero hindi sisibakin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-aprub-sakaling-magbitiw-sa-puwesto-si-duque-pero-hindi-sisibakin/)