Ang Commission on Audit (COA) lang ang may karapatang baguhin ang kanilang audit report at walang sinumang puwedeng mag-utos kung ano ang dapat nilang gawin sa kanilang mandato.

Ito ang inihayag ni Senadora Risa Hontiveros matapos sabihan ni Duterte ang COA na i-reconfigure ang kanilang audit report dahil wala namang korasiyon sa mga ahensiyang binabanggit sa kanilang ulat.

“I take exception, Mr. President, hindi lang dahil sa gitna ng pandemya kung gaya ng pinag uusapan po natin limited ang ating resources lalo’t higit nagiging mahalaga ang trabaho ng COA, pero dahil ito mismo ang sinasaad ng Saligang Batas” sabi ni Hontiveros.

“It is not only that the COA is supposed to be independent, the Constitution — and here I am quoting the Supreme Court itself – ‘grants the COA the exclusive authority to define the scope of its audit and examination and establish the techniques and methods therefore,’ If there is anything to configure or reconfigure, it is solely at the discretion of COA at hindi pwedeng makialam ang Presidente,” diin nito.

Ayon kay Hontiveros, nakakabahala umano na sinasabihan ng presidente ang COA para lang mapigil ang anumang imbestigasyon sa dayaan, katiwalian at ibapang maling gawawin sa mga ahensiya ng gobyerno.

“Sa totoo lang (in reality) to a layperson, to ‘reconfigure everything’ sounds like a directive to doctor the books or doctor the data,” punto ng senadora.

Naniniwala si Hontiveros na ang COA report ay isang ‘smoking gun’ o di kaya’y material evidence sa korapsyon.

“COA red flags are there to tell us how to govern better, but they can also tell law enforcers where to look, and which trail to follow. In many instances in the past, the COA report is the smoking gun or material evidence of corruption,” ayon kay Hontiveros.

“It cannot stand on its own, but on many occasions, it is an integral part of the chain of evidence that can lead to conviction,” paliwanag pa nito.

The post Duterte hindi puwedeng makialam sa COA – Hontiveros first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-hindi-puwedeng-makialam-sa-coa-hontiveros/)