Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) na ibigay na ang lahat ng benepisyong hinihintay ng frontliners, partikular ang medical workers na nakapaloob sa Bayanihan law.

Sa kanyang regular Talk to the People, sinabi ng Pangulo na unahin ang mga frontliner kung mayroon namang perang ibabayad sa mga ito.

“Iyong frontliners unahin mo na lang. If there is enough money, bayaran mo,” anang Pangulo.

Matatandaang nagbanta ang ilang grupo ng health workers ng mass resignation sa gitna ng tumataas na kasi ng COVID-19 kung hindi maibibigay ang kanilang hinihintay na mga benepisyo.

Kabilang dito ang meal accomodation at transportation benefits,active hazard duty pay special risk allowances.

Iniutos din ng Pangulo kay Health Undersecretary Leopoldo Vega na bilhin o utangin ang mga kailangang gamot at huwag matakot sa Commission on Audit (COA).

“Saka yung mga medisina ulit, utangjn mo. Huwag mong sundun yang COA. P*****i** yang COA-COA na yan, wala namang mangyayari diyan,” dagdag ng Pangulo.

Hindi naitago ng Presidente ang pagkainis sa COA dahil kahit hindi pa tapos ang isang project ay naglalabas na ito ng audit report na nagbibigay aniya ng masamang impresyon sa publiko na ninakaw ng isang ahensiya o opisyal ang pondo ng gobyerno.

The post Duterte: Nakabiting benepisyo ng frontliners, ibigay na! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-nakabiting-benepisyo-ng-frontliners-ibigay-na/)