Hindi dapat masamain ang paghuhugas ng kamay ng alcohol kahit may kausap lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na marami ang binago ng COVID pandemic kaya dapat laging isaisip ang pag-iingat dahil sa peligro ng COVID-19.

Ayon sa pangulo, ito na ngayon ang bagong normal kaya hindi masamang maghugas ng kamay kapag may nakadaupang-palad.

“With the pandemic spreading like a wildfire in the country and everybody taking precautions, it would not be a discourteous act to wash your hands even in front of the person that you have shook hands [with] because it is the norm of the day,” anang pangulo.

Dapat aniyang laging isipin na mataas ang panganib ng COVID -19 lalo na ang bagong Delta variant kaya dapat na sundin ang basic health protocols.

Sinabi ng pangulo na kapag minalas na mahagip ng COVID-19 dahil sa kawalan ng pag-iingat ay peligro ang hatid nito sa tao.

“Hindi dapat mainsulto yang maghuhugas ka,and you should do that also. Alam mo isang tama lang yan,” dagdag ng Pangulo.

The post Duterte: Paghugas ng kamay sa harap ng kausap ‘di kabastusan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-paghugas-ng-kamay-sa-harap-ng-kausap-di-kabastusan/)