Naghain ng panukala si House Assistant Majority Leader at Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo upang magbigay ang gobyerno ng electronic vaccine card para sa mga Pilipino na nakakompleto na ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Castelo lumikha ng problema ang kanya-kanyang gawa ng vaccination card ng bawat lokal na pamahalaan gaya ng nararanasan ngayon ng mga overseas Filipino workers na hindi makapunta sa kanilang trabaho sa Hong Kong dahil ayaw kilalanin ang kanilang vaccination card.

May dulot din umano itong problema sa mga domestic travellers dahil walang paraan para matukoy kung authentic ang isang vaccination card o hindi.

Hindi rin pabor si Castelo sa ginagawa umano ng isang LGU na papuntahin ang mga nabakunahan na sa isang lugar para lagyan ng validation sticker ang kanilang vaccination card.

“This is an obsolete authentication method that exposes our residents to the virus. We must use all available modern technology to protect our people from COVID-19,” sabi ni Castelo.

Sa inihaing House bill 9957 aamyendahan ang Covid-19 Vaccination Act (Republic Act 11525) at aatasan ang Department of Health (DOH) na lumikha ng central database ng mga bakunado.

“The e-vaccine cards shall be in uniform format throughout the country, regardless of where the original vaccine cards were issued. The e-vaccine card will ensure the safe mobility of vaccinated individuals, locally and internationally, and will prevent the proliferation of counterfeit cards since authentication can easily be done through the database,” sabi ni Castelo.

The post e-Vaccine card hirit ng lady solon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/e-vaccine-card-hirit-ng-lady-solon/)