Arestado ang isang empleyado ng Child’s Hope Hospital sa Pasig City matapos umanong maningil sa libreng swab test ng kanilang lungsod.

Kinilala ang suspek na si RV Tobago, isang molecular encoder sa naturang ospital.

Ayon sa ulat ng Super Radyo dzBB, binibenta ng 23 anyos ang libreng swab test sa mga non-resident ng Pasig mula P900 hanggang P3,900.

Pinaghahanap naman ngayon ang kasabwat umano ni Tobago na si Aljohn Santos.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek.

The post Empleyado ng ospital sa Pasig pinagkakitaan libreng swab test, timbog first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/empleyado-ng-ospital-sa-pasig-pinagkakitaan-libreng-swab-test-timbog/)