Pumanaw na si dating Philppine Navy Admiral Reuben Lista matapos sugpuin ng COVID-19.

Kinumpirma ito ni Energy Secretary Al Cusi sa isang mensahe ngayong Martes.

“It is with great sadness that I inform you of the passing of our Admiral Ben Lista early this morning. He had been a valued member of our team and will be missed,” saad niya.

Aniya, nang magpositibo sa COVID ay naospital pa nang dalawnag linggo ang opisyal.

“He was about to be discharged but unfortunately, had complications which resulted to the deterioration of his health,” pagpapatuloy niya.

“Please keep Admiral’s family in your thoughts as they go through this difficult time.”

Kasalukuyong pangulo at CEO ng Philippine National Oil Company si Lista.

Nagsilbi rin siyang ika-16 PCG commandant taong 2001 hanggang 2003 at umupo bilang kumander ng Marine Environmental Protection Command.

The post Ex-PCG Commandant Reuben Lista tigok sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ex-pcg-commandant-reuben-lista-tigok-sa-covid/)