Hinatulan nang “guilty” si dating Police Sergeant Jonel Nuezca na siyang walang-habas na pumatay sa mag-inang sina Sonia at Frank Gregorio sa Paniqui, Tarlac noong Disyembre 2020.

Bukod dito, nahaharap rin sa double life imprisonment at pinagbabayad ng halos P1 milyon ang dating opisyal.

Ito ay batay sa naging hatol ng Tarlac Regional Trial Court kay Nuezca ngayong Huwebes.

Para kay BGen. Val de Leon na siyang direktor ng PNP Region 3, nabigyan na umano ng hustisya ang pagkamatay ng mag-ina.

“Justice has been served,” wika niya.

The post Ex-Sgt. Jonel Nuezca hinatulan ng double life imprisonment, pinagbabayad ng P1M first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ex-sgt-jonel-nuezca-hinatulan-ng-double-life-imprisonment-pinagbabayad-ng-p1m/)