Kinumpirma ni dating Speaker Pantaleon Alvarez na kinatigan ng Makati City Regional Trial Court ang kanyang petisyon na ipawalang-saysay ang kanyang kasal.

Nang tanungin kung ano ang kanyang pakiramdam matapos na lumabas ang desisyon ng Makati RTC branch 144, sagot ni Alvarez: “Para kang gumaling sa COVID, magaan, magaan. Makapag-umpisa nang panibagong buhay.”

Idineklara ng desisyon na walang bisa ang kasal ni Alvarez at Emelita Apostol Alvarez dahil sa kawalan ng marriage license at pagkabigo na sumunod sa Article 52 ng Family Code.

Inihain ni Alavrez ang petisyon noong nakaraang taon.

“Nung nakapagdesisyon ako na mag-file sana ng annulment pinagmamasdan ko yung aking marriage contract fortunately nakita ko yung isang parang mayroon siyang footnote sa baba na maliit masyado yung print na walang marriage license due to ano ng family code tinignan ko nung binasa ko yung particular section na yun mukhang di mag apply kaya yun ang ginamit kong basis para mag-file ng declaration of nullity of marriage,” kuwento ni Alvarez.

Inamin naman ni Alvarez na siya ay mayroong love life ngayon.

“Oo di naman ako nauubusan ng love life parang kayo din,” dagdag pa nito.

Pero wala umanong plano si Alvarez na magpakasal sa mapalit na panahon at itutuon umano muna ang kanyang atensyon sa politika.

“Ah wala pa namang plano, wala pang plano nanamnamin ko muna yung kalayaan ko ngayon. Busy muna tayo preparing for the coming elections kasi alam mo naman filing na ng (certificate of candidacy sa) October 1-8 and I’ll be seeking reelection sa district tapos I am supporting the candidacy of Lacson-Sotto for president and vice president,” wika pa ni Alvarez.

The post Ex-Speaker Alvarez sa pagpapawalang-bisa ng kanyang kasal: Para kang gumaling sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ex-speaker-alvarez-sa-pagpapawalang-bisa-ng-kanyang-kasal-para-kang-gumaling-sa-covid/)