Magpapatuloy ang sesyon ng Senado sa susunod na linggo anupaman ang ipatupad ng quarantine status sa Metro Manila.

“We will indeed resume [whether] ECQ (enhanced community quarantine) is extended or not,” sabi ni Senate President Vicente Sotto III sa kanyang mensahe sa mga reporter.

Ayon kay Sotto, lilimitahan lamang ang bilang ng mga empleyado na papayagang makapasok sa gusali ng Senado sa Pasay City.

Pangunahing tatalakayin ng Senado ang mga mahahalagang panuka tulad ng pag-amiyenda ng Retail Liberalization Act and the Public Services Act at iba pa.

Matatandaan na sinuspinde ang plenary session ng Senado, mula noong Agosto 9 dahil sa ipinatupad ng ECQ sa Metro Manila.

Ang ECQ sa Metro Manila ay magtatapos sa Agosto 2021 maliban na lang kung palawigin pa ito ng pangilo.

Nauna nang sinabi Malacañang na ihahayag ang pinal na desisyon araw ng Huwebes.

The post Extended o hindi, sesyon ng Senado tuloy sa susunod na linggo – Sotto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/extended-o-hindi-sesyon-ng-senado-tuloy-sa-susunod-na-linggo-sotto/)