May mensahe si “Fat Amy” ng Pitch Perfect, o Rebel Wilson sa tunay na buhay, sa mga taong may kinahaharap na body issues.

Sa kanyang Instagram, nagbahagi ang aktres ng kanyang litrato kung saan chubby pa siya — malayong-malayo sa hubog niya ngayon.


“Okay so I know that I normally post flattering photos of myself…but found this old photo in my emails and was like: whoa! I remember this was when I was at my most unhealthiest – being overweight and indulging way too much with junk food,” panimula niya.

Aniya, ginamit niyang paraan ang paglamon para maibsan ang “sad phase” ng kanyang buhay noon.

“Using food to numb my emotions. My father had passed away of a heart attack and it was such a sad time,” sambit niya.

“I didn’t think highly of myself and wasn’t valuing myself how I should have. It’s interesting that I’m still smiling and still trying to be active,” pagpapatuloy pa niya.

Dahil sa pagiging healthy niya ngayon, sobrang proud umano siya sa narating niya.

Bilang payo sa mga taong may body issues at emotional eating, anang aktres, hindi pa huli ang lahat upang magsimula ulit.

“Just wanted to send out some encouragement to everyone out there struggling with weight or body issues or emotional eating. I feel you. I know what it’s like. But it’s never too late to start improving yourself and trying to be the best version of YOU possible,” payo niya.

“It’s not a race and it’s not a competition – it’s about respecting yourself and doing what’s best for YOU. So if you’re out there and reading this today, I just wanted to say: keep smiling and keep trying to be active!” dagdag pa niya.

The post ‘Fat Amy’ may tips sa gustong magpapayat first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/fat-amy-may-tips-sa-gustong-magpapayat/)