Nagkalat na naman ang Facebook page ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Sa pinakahuling Facebook story ng page na Mayor Herbert M. Bautista – Quezon City, makikita ang larawan na may nakasulat na:

“See how to become a virgin naturally.”

Tampok sa story ang dalawang magkaibang larawan ng maselang bahagi ng babae, kung saan hindi na birhen ang nasa kabila at birhen naman ang nasa kanang bahagi ng litrato.

Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng malaswang Facebook story ang naturang page ng dating alkalde.

Nitong linggo lamang ay tumambad sa madla ang larawan ng isang babaeng facemask lang ang nakatakip sa maseselang bahagi ng katawan.

Dinepensahan ng admin ng page na hindi sila ang nagpost ng malaswang larawan.

The post FB ni Bistek nagkalat ulit first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/fb-ni-bistek-nagkalat-ulit/)