Nilabas na ng PDP-Laban ngayong Martes ang initial list ng kanilang mga pambato sa Senado sa 2022 elections.

Gaya ng inaasahan, mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng gabinete ang nasa listahan.

Ang mga ito ay sina Deputy Speaker Rep. Rodante Marcoleta, Department of Information & Communications Technology Secretary Gregorio Honasan, Chief Presidential Counsel Salvador Panelo, Department of Transportation Secretary Arthur Tugade at Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar.

Ayon sa press release ng PDP-Laban, magkakaroon ng national assembly ang partido sa Setyembre 8 kung saan isa ito sa mga bagay na kanilang tatalakayin.

Nakapaloob din sa press release na tinanggap na ni Pangulong Duterte ang nominasyon ng partido bilang kanilang vice presidential candidate.

The post First five ng PDP-Laban senatoriables ibinulgar first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/first-five-ng-pdp-laban-senatoriables-ibinulgar/)