Lumapit sa Commission on Human Rights (CHR) – Region V noong Martes ang entrepreneur na si Louise Mabulo upang ireklamo ang exploitation ng ‘isang vlogger.’

Sa kanyang post noong Martes ay ibinunyag ni Mabulo ang pakikipagpulong sa ilang opisyal ng CHR upang pag-usapan ang isyu sa pagitan niya at ng vlogger na hindi niya pinangalanan.

Ngunit ‘di naman na lingid sa lahat na ang vlogger na tinutukoy at inireklamo ni Mabulo ay si Nuseir Yassin ng Nas Daily.

“Today’s meeting with the Commission on Human Rights Region V— their official investigation on the recent issues surrounding the exploitation against me and the farmers here perpetuated by some vlogger,” saad ni Mabulo sa post.

“I did say I would not provide more statements on the matter to the general public, but glad to provide my statements for the official procedures and processes that are being taken to address this,” dagdag pa niya.

Lumutang si Mabulo sa gitna ng isyu ng Nas Daily kay traditional tattoo artist Apo Whang Od. Inilahad ng entrepreneur na ilang taon na ang nakalipas ay nagkaroon sila ang ‘di magandang karanasan sa vlogger ng maliitin nito ang kanyang proyektong Cacao Project, maging ang mga magsasaka at ang kanilang pananalita.

Ngunit dumepensa naman si Yassin at sinabing ‘di natuloy ang pag-feature nila sa Cacao Project sa Nas Daily dahil isa itong ‘fake story.’

The post Founder ng Cacao Project dumulog sa CHR first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/founder-ng-cacao-project-dumulog-sa-chr/)