Isa sa mga kandidatang nakikipagbunuan para makuha ang korona ng Miss Universe Philippines 2021 si Noelyn Rose Campos, isang martial artist mula San Jose de Buenavista, Antique.

Bukod sa pagkasungkit ng puwesto sa Top 75, pasok din ang 23 anyos sa Top 15 ng headshot challenge ng naturang pageant.

Kuwento ng atleta, isa sa mga nakatulong sa kanyang bahagi ng pagsali sa pageant ay ang swimsuit challenge.

Aniya, hindi kasi siya kumpiyansa sa kanyang pangangatawan dahil sa sobrang payat niya.

“I had this mental voice that keeps on telling me na “Ay don’t wear swimsuit ’cause you’ll gonna look very very skinny.” But through out the years I was able to overcome that fear,” kwento niya sa podcast ng Tae Kwon Do Matters.

“Thankfully I got a high score sa swimsuit,” pagpapatuloy niya.

Bukod sa pagpasok sa Top 15 ng headshot challenge, nakalusot din sa Top 15 ng intro video challenge si Campos kung saan lumapag siya sa parehong puwesto.

Sambit niya, hindi niya inaasahang mapapasabit sa mga “top” ng mga challenge sa pageant.

“I did not expect po [n]a we would be included in the Top 15 for the headshot and the video introduction. But when we got the results, we were very shocked because I ranked consistently Top 9 out of the 100 girls.”

Anang kandidata, ang kanyang mga kababayn sa Antique at mga taga-suporta ang dahilan kung bakit siya nananatiling nasa pageant.

Bago pa man mapasok sa pageant industry, kilala nang magaling na atleta si Campos sa larangan ng Taekwondo.

Bahagi lang naman kasi siya ng varsity ng De La Salle- College of Saint Benilde kung saan siya nagtapos at ng Philippine National Team.

Bilang isang gradwyet ng degree na may kinalaman sa Travel and Tourism, isa sa mga adbokasiya ni Campos bilang beauty queen ang sustainable tourism.

Nakatakdang ganapin ang coronation night ng Miss Universe Philppines sa susunod na buwan.

The post From sipa to rampa! Taekwondo champ Noelyn Campos sumabak sa Miss U PH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/from-sipa-to-rampa-taekwondo-champ-noelyn-campos-sumabak-sa-miss-u-ph/)